ni Jonna Rabino
Isang buong araw ang nilaan ng Capiz State University (CapSU) - Main Campus upang bigyang pansin ang sensitibong topiko kaugnay ng Gender Sensitivity at RA 10354 - Reproductive Health na ginanap noong Setyembre 19, Martes, sa Dadivas Gymnasium ng nasabing unibersidad.
Layon ng nasabing symposium na maiparating sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagkilala sa kanilang mga sarili maging ang pagiging mulat sa pangkasariang responsibilidad ng bawat isa, gayon din ang dapat tandaan upang maging lubos na handa bago bumuo ng isang pamilya.
Pinangatawanan ni Ginang Mary Grace F. Somil, Population Program Officer III, ang paghatid ng impormasiyon at pagbibigay linaw sa talakayan, kung saan ilan sa kanyang mga binitawang pahayag ay ang, "No more children, having children", "Dapat, walang nanay na namamatay sa pagbibigay buhay", at "You have to create choices, indi lamang tungod nga love mo siya, wala ka na nanumdom. Nagsugot ka nalang dayun."
Binigyang diin din niya ang RPRH law na nagbibigay ng kaukulangang pangkatauhang tulong nang patas at walang bahid ng diskriminasyon, "This law approves the universal basic human rights, all or to equality and non-discrimination...babayi man o lalaki, o kung ano man ang aton gender preferences, pwede gid ina ya maka access sang such services."
Ang mga estudyante na dumalo ay naging aktibo rin sa kaganapan, nagpahayag ng kanilang mga saloobin, at nagbigay ng mga katanungan na siyang binigyang kasagutan ni Gng. Somil bago matapos ang naturang aktibidad.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng mga opisyal ng Gender and Development Program Office na pinangungunahan ni Dr. Susan Diosalan.
Comments