๐๐ฎ๐ฝ๐ฆ๐จ, ๐ต๐๐บ๐ฎ๐ธ๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐๐๐
- The Quest Publication
- Jun 7, 2024
- 1 min read
By Aira Nicole M. Delostrico
Nagwagi ang Capiz State University (CapSU) ng iba't ibang mga karangalan sa idinaos na ikatlong Regional Quality Awards na pinamunuan ng Commission on Higher Education Regional Office 6 (CHEDRO-VI) noong Mayo 29, 2024, sa Urdaneta Hall ng Unibersidad ng San Agustin, Lungsod ng Iloilo.
Ang CapSU ay humakot ng mga sumusunod na parangal: Award for Excellence in Community Extension, Award for Excellence in Indigenous Peoples Education โ CAPSU Roxas City Main Campus, Award for Excellence in NSTP, Philippine Anti-Illegal Drugs Innovative Awards for Higher Education โ CAPSU Roxas City Main Campus, Philippine Anti-Illegal Drugs Innovative Awards for Higher Education โ CAPSU Burias Campus.
Ang mga parangal ay ipinagkaloob ni CHEDRO-VI Director Raul C. Alvarez at tinanggap ng mga dumalong opisyal ng unibersidad kabilang sina Dr. Editha C. Alfon, SUC President; Dr. Joel C. Villaruz, Dean ng College of Engineering, Architecture, at Technology (CEAT); Prof. Jocelyn S. Legaspi, Director ng Extension Office; at Ms. Rosalie Salvilla, Executive Assistant.
Ang mga parangal na ito ay nagpapatunay sa dedikasyon ng CapSU, hindi lamang sa pagbibigay ng maayos na serbisyo at kalidad na edukasyon, ngunit maging sa kanilang adhikaing pagpapatupad ng mga programa para sa ikabubuti ng buong unibersidad
Comentรกrios