Ni Aira Nicole Delostrico at Mary Queen Tortogo
Gusto niyo bang kumain ng mga pagkaing dagat? Ang bulubunduking tumpok ng kumikinang na pulang bao ng alimango, ang kulay-rosas na perpektong lutong hipon, at ang katakam-takam na molusko, isda, at sugpoโlahat ng ito at marami pang iba ay bahagi ng Surambaw Food Feast na ipinagdiriwang bilang bahagi ng selebrasyon ng Capiztahan festival. Isa ito sa mga pangunahing kaganapan, na umaakit at dinadayo hindi lamang ng mga lokal kundi maging internasyonal na mga panauhin. Ang unli seafood festival ay nagpapakita ng masaganang barayti ng mga lamang dagat at higit pang nagpapatunay sa reputasyon ng lalawigan bilang isang seafood haven.
Alas singko pa lamang ng hapon ay nakapila na sa labas ng Villareal Stadium ang mga panauhing dumayo pa mula sa ibaโt-ibang lugar, sabik na magpista sa nakakatakam na mga lamang-dagat na inihanda para sa pagdiriwang ng Surambaw 2024. Pagpasok sa bulwagan ay tila dinala ka sa dalampasigan dahil babati sa iyon ang amoy ng mga lutong putahe. Agad rin na aakit sa iyong mga mata ang mahabang mesa sa gitna na napapalamutian ng mga banderitas kung saan nakahanay ang tumpok na mga lutong lamang dagat, nakapalibot dito ang nasa walumpuโt isa (81) na mga pabilog na mesang inihanda para sa mga panauhin.
Inilunsad noong 2017, tuwing sasapit ang pagdiriwang ng Capiztahan ay isa sa mga tiyak na inaabangang kaganapan ang Surambaw o ang โunlimitedโ seafood feast kung saan ibinibida ang katakam-takam na mga lamang dagat ng probinsya. Ang salitang Surambaw ay isang tradisyonal na kagamitang gawa sa kawayan na ginagamit sa pag-akit at panghuhuli ng isda. Ang mga pagkaing dagat ay isa sa mga pamanang kultura ng Capiz kung kaya't tinagurian ang siyudad nito bilang Seafood Capital ng bansa, ang mga huling yamang dagat na ibinibida sa okasyon ay huli mula sa ibaโt ibang munisipyo at bayan sa probinsya.
Labing-anim (16) na mga establisimyento sa probinsya ang nagkapit-bisig sa pag-oorganisa upang mailunsad ang Surambaw sa Capiztahan Festival 2024. Mahigit limang-daang (500) kilo ng ibaโt-ibang lamang dagat ang inihanda; 300 kilo ng alimango, dalawang-daang (200) kilo ng hipon, isang-daang (100) kilo ng green shells, ilang sako ng talaba at marami pang iba para sa dalawang araw na pagdiriwang na idinaos noong Abril 12 at 26 sa Villareal Stadium. Sa halagang 799 pesos ay matitikman mo na ang kakaibang lasa ng mga putahe tulad ng inihaw at pinausukang isda, pinatuyong isda, at kinilaw o hilaw na paghahanda ng mga menu ng shellfish.
Higit pa sa pagmamalaki ng ating likas na yamang dagat, ang Surambaw Food Feast ay bahagi ng culinary tourism, isang paraan upang mahikayat ang mga turista mula sa ibaโt ibang bahagi ng mundo na bumisita sa probinsya, hindi lamang upang matikman ang ipinagmamalaking mga putahe ngunit upang makibahagi rin sa kasiyahan ng Capiztahan at masaksihan ang tinatanging yaman at pinagmamalaking kultura ng Capiz.
Ang pinong buhangin, bughaw na kulay ng dagat, at ang mga hampas ng alon sa dalampasiganโito ang โheartbeatโ ng Capiz. Ang Surambaw Food Feast ay hindi lamang isang handaan, ito ay isang pasasalamat para sa biyaya ng dagat at pagpupugay sa mga mangingisda na โlifelineโ ng ating probinsya. Sa pistang ito hindi lamang nito tinatakam ang mga panauhin, binubusog nito ang ating tradisyon at kultura.
ย
Comments