top of page
Search
Writer's pictureThe Quest Publication

Buwan ng Wikang Pambansa '23, ipinagdiwang


Ni Aldreana N. Sereneo


Dala ang temang "Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan",

Capiz State University (CapSU) - Main Campus ipinagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa 2023, Martes, ika-29 ng Agosto.


Sinimulan ang programa matapos ang pambukas na pananalita mula kay Dr. Emmanuel D. Dayalo, Student Organization and Activities Coordinator.


Nagpakitang gilas naman ang mga organisasyon mula sa iba't-ibang departamento sa pamamagitan ng pagtatanghal, kabilang na rito ang CapSU Main Dance Troupe (CMDT) sa kanilang Katutubong Sayaw, Guhit-Sayaw naman ang ipinamalas ng College of Engineering, Architecture, and Technology (CEAT), Katutubong Awit ng College of Management (CM), Spoken Poetry ng Bachelor of Industrial Technology (BIT), Harana ng College of Education (CoEd), at Sayawit naman ang handog ng Kapisanan ng mga Edukador sa Filipino (KapEduFil).


Ang nasabing programa ay pinangunahan ng KapEdufil, sa pakikipagtulungan sa Supreme Student Council (SSC) at SSC Local-Subchapters mula sa CoEd, CEAT, CM, at BIT, na dinaluhan ng mga guro at mag-aaral ng nasabing unibersidad.

12 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page