Ni Jessy Chris Santos
Bitbit ang pangalan ng kani-kanilang mga munisipalidad sa probinsya ng Capiz, nagpaligsahan sa larangan ng pag-awit ang 17 na mga kalahok sa ginanap na Bugal sang Capiz Singing Competition 2024, nitong Martes, ika-16 ng Abril sa Robinsons Place Roxas.
Si Gobernador Fredenil H. Castro, bagama't hindi nakadalo sa nasabing kompetisyon, ipinahayag naman ang kanyang mensahe sa pamamagitan ni Atty. Luvim D. Amores, Provincial Information Officer.
"He is supposed to join us this afternoon. However, while we celebrate the Capiztahan Festival and everything is enjoying, he cannot leave his role as the father of the province, especially to those that are marginalized," ang nasabi ni Atty. Amores sa pagsisimula ng kanyang pahayag. "He is grateful to everybody and the organizers also for your continued commitment to Bugal sang Capiz," dagdag pa niya.
Nagpaunlak din ito ng kaunting mensahe at payo para sa mga manlalahok, "Bugal sang Capiz is not just about winning. This is also a venue where you develop friendship and unity because of your shared commitment and shared interest to music."
Sa pagtatapos ng kompetisyon, naiuwi ni Mark Gelmer Pieza, bugal sang Roxas City, ang kampyonato at hinirang na bagong Bugal sang Capiz Ambassador; nakuha naman ni Cherry Joy Baรฑes na siyang Bugal sang Pontevedra ang titulong 1st runner-up, at ni Ma. Liza Bersabal, Bugal sang Panay ang titulong 2nd runner-up.
Ang iba pang mga munisipalidad na nakiisa sa Bugal sang Capiz ay ang Tapaz, Sigma, Mambusao, Panit-an, Dumalag, Pres. Roxas, Sapian, Dao, Dumarao, Jamindan, Ivisan, Pilar, Maayon, at Cuartero.
Comments