top of page
Search
Writer's pictureThe Quest Publication

๐Ÿต ๐—–๐—˜๐—”๐—ง ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ถ ๐—ฝ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—๐˜‚๐—น๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜

By Jessy Chris A. Santos


"Passing or failing the exam wont determine your future. It's just only a one step to success which also have many factors: personality, attitude etc", pahayag ni Jayvee Dividina, isa sa mga CapSUnian na nakapasa sa itinakdang Master Plumber Licensure Examination (MPLE) noong Hulyo 13-14, 2024 sa iba't ibang bahagi ng bansa.


Sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Hulyo 17, 2,936 sa 6,191 na mga kumuha ang nakapasa sa nasabing eksaminasyon kung saan kabilang dito ang siyam na CapSUnian at nakakuha ng passing rate na 52.92%, mas mataas kung maikukumpara sa national passing rate na 47.42%.


Ayon kay Jayvee Dividina, isa sa mga CapSUnian na nakapasa, binigyan niya ng mas mahabang panahon upang pag aralan ang paksang nahirapan niya tulad ng Plumbing Arithmetic gamit ang calculator technique. Ito ang naging estratehiya niya upang pumasa. "(I was) shocked and surprised since that was my third time taking the examination", ang nasambit din niya nang tanungin kung ano ang naging reaksyon niya nang malamang kabilang siya sa mga nakapasa.


Nagbigay din ito ng patnubay sa ibang mga nais ding kumuha ng nasabing eksaminasyon. "Taking the board examination is just a test, a normal test, like a test in college days. If you passed which means that you are qualified to practice a certain field. It doesn't mean that you have to exert all of your effort to study all of it, just the neccessary knowledge that will equip you in the actual practice... This type of examination is just test of knowledge and knowledge si not something that you gain instantly so time has an important role, if you haven't passed the first time then take the second, third time as I done it 3 times and I'm glad that I passed."


Ang siyam na pumasa at nagmula sa College of Engineering, Architecture and Technology (CEAT) ng CapSU Main Campus ay sina:

1. Celito Boy D. Arevalo

2. Rosa Mae A. Avelino

3. Bryan Rovic L. Borja

4. James D. Derecho

5. Jayvee L. Dividina

6. Janevie V. Merisco

7. Jester G. Nobleza

8. Christian Vincent L. Sanchez

9. Sabrina D. Vinson


Ang PRC at ang Board of Master Plumbers ang nagsagawa ng naturang eksaminasyon sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas kabilang ang National Capital Region, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Calapan, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Palawan, Rosales, at Tacloban.

20 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page