By: Mark Globen Barotilla
Ipinagdiwang ang tagumpay ng 306 na mga bagong guro na nakapasa sa March 2024 Licensure Examination for Teachers (LET), sa pamamagitan ng programang โPAGPASINDUNGOG: Recognizing Capsunian Achieversโ na isinagawa ng Kolehiyo ng Edukasyon sa Dadivas Gymnasium, Agosto 30.
Dinaluhan ng mga bagong lisensyadong guro, mga pinuno ng unibersidad, kabilang ang Pangulo ng Capiz State University (CapSU), mga dekana, tagapangulo ng iba't ibang programa sa kolehiyo, at mga mag-aaral ang espesyal na okasyon. Sa kanyang inspirasyonal na talumpati, ipinaabot ni Dr. Editha C. Alfon, Presidente ng CapSU, ang kanyang taus-pusong pagbati at pagmamalaki sa mga LET passers. Binigyang-diin niya ang halaga ng dedikasyon at pagsusumikap sa pagkamit ng tagumpay at hinimok ang mga bagong guro na ipagpatuloy ang pagbibigay-inspirasyon sa kanilang mga magiging estudyante.
Ani Dr. Alfon, โYour success is a testament of your hard work and commitment to excellence and we are all proud to play a part in your academic journey. Your achievement is noteworthy as it reflects our unwavering commitment to provide our students with the best educationโฆ board passers, remember to keep your feet to the ground, look and payback the sacrifices of your parents, guardians, faculty, brothers and sisters. Remember you did not aspire to be a licensed teacher to earn monetary considerations but to be the souls of inspirations of the young minds.โ
Ibinahagi naman ni Joshua D. Dorado, isa sa mga LET passers, ang kanyang mga karanasan at hamon na hinarap sa pag-abot sa tagumpay sa kanyang testimonial speech. Ayon kay Dorado, โThis journey has been filled with challenges and triumphs and I am incredibly grateful for the support that Iโve received along the way. To my fellow graduates, I know that we all poured our hearts and souls to our studies, we faced countless hours of preparations, late night studies and moments of doubt but we persevered and today we stand as testaments to our dedications and commitment to the noble profession of teaching.โ
Ang PAGPASIDUNGOG ay isang pagsasama-sama ng komunidad ng Koleheyo ng Edukasyon upang ipagdiwang ang kolektibong tagumpay at pagtibayin ang kanilang suporta sa edukasyon at propesyonalismo.
Comments