top of page
Search
  • Writer's pictureThe Quest Publication

𝗖𝗮𝗽𝗦𝗨, 𝗻𝗮𝗴𝗱𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝟮𝟬𝘁𝗵 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗮𝘆

Ni Jessy Chris Santos

Napuno ng kasiyahan ang bulwagan ng SM City Roxas matapos ang matagumpay na paggunita ng Capiz State University (CapSU) ng 20th University Day kalahok ang ilang mga estudyante't mga guro mula sa iba't ibang mga campus at mga satellite colleges nitong Huwebes, Marso 21.

Matatandaang 20 taon na ang nakalipas matapos na maipalit bilang state university ang Panay State Polytechnic College na naging epektibo sa ilalim ng Republic Act 9273 na pinirmahan ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ang pagdiriwang ay sinimulan ng isang banal na misa sa loob ng CapSU-Main at pagkatapos ay nagkaroon ng isang caravan mula sa nasabing campus papuntang SM City Roxas kung saan ay naging sentro ng kaganapan.

Nagbigay ng panimulang mensahe si Dr. Editha C. Alfon na sinundan naman ng mga mensahe nina Dr. Wennie F. Legario at Engr. Nerio V. Harion. Sa karagdagan, nagbigay din ng congratulatory message si Mayor Ronnie T. Dadivas para sa maunlad na takbo ng selebrasyon .

Pagsapit naman ng hapon ay nagpamalas ng iba't ibang uri ng talento ang mga mag-aaral mula sa CapSU-Dayao Satellite College, CapSU-Mambusao Satellite College, CapSU Tapaz Satellite College, CapSU Bailan Pontevedra Campus, CapSU Pilar Satellite College, CapSUBurias Campus, CapSU Sigma Satellite College, CapSU Dumarao Satellite College at CapSU-Roxas na siya namang nagbigay ng kasiyahan sa selebrasyon.

Sa mahigit dalawang dekada, ang Panay State Polytechnic College ay mas kilala na ngayon bilang Capiz State University na may tatlong mga campus at anim na mga satellite college.

0 views0 comments

Recent Posts

See All

CapSU-Main joins the Maragtas Sang Capisnon ‘24

By Meljud Benecio Capiz State University (CapSU)-Main Campus joined the Maragtas Sang Capisnon Historical Performances with their Special Performance at Pueblo De Panay Techno Park on April 27, 2024.

CapSUnian beauty reigns Lin-ay sang Turismo kag Kultura

By Brian Howell Bellosillo Joana Sharmine Arrobang of Capiz State University, Roxas City, Main Campus, bagged the Lin ay sang Turismo kag Kultura 2024 title at the Hangaway kag Lin-ay sang Capiz 2024

bottom of page